By Maryjoy Espinoza
Nakamit nang DLSU Lady Spikers and pangalawa nilang panalo kontra sa FEU Lady Tamaraws matapos ma sweep nila nang tatlong sets kanina .
Agad namang nagparamdam sa laro ang DLSU na inangkin ang unang set, 25-19. nagpakitang matitinding blocking at spikes ang Lady Spikers sa simula pa lamang ng laban kaya naman hindi na nakaangat ang Lady Tamarraws.
Tuluyang lumamang sa Ikalawang set ang DLSU, 25-16, nang sunod-sunod na magtala ng errors sa receiving ang FEU. Lumobo ang lalamangan ng Lady spikers sa tulong ng mga atake nina Wensh Tiu at Ara Galang.
Bagamat ang dalawang set ay naging mahigpit. Ang DLSU Lady Spikers ay pinanatili ang kontrol sa laro kahit na nakuha ng Lady Tamarraws ang mga naunang puntos. Hinabol ng La salle ang maagang abante ng FEU upang kunin na ang kanilang panalo, 25-16.
Mga susi sa naturang laro ay sina Tiu at Galang sa Atake, at si Michele Gumabao sa Blocking.
Nahirang na best player nang laro si Galang matapos makakuha sya nang 15 points, 9 attacks at 3 blocks.
Ang susunod nilang laro ay sa Linggo laban sa UE Lady Warriors.