Easy going for Lady Spikers over NU. Grabs solo second

By Maryjoy Espinoza

Inakala nang marami na magiging dikitan itong laban ito. Pero sa halip, kabaliktaran ang nangyari.

Gamit ang kanilang karanasan, minadali nang Lady Spikers and pagatlo sa NU Lady Bulldogs 25-12 25-17 25-19 upang makamit nila ang kanilang ikaapat na sunond  na panalo.

Magandang depensa at opensa ang pinakita nang koponan para dominahin ang kalaban. Pinangunahan ni Michele Gumabao ang La Salle na may 10 points, 8 attacks, 1 block at 1 service ace.

Sa umpisa pa lang nang laro, ipinakita agad nila ang kanilang matibay na blocking dahilang upang mawalan ng kontrol sa laro ang NU na nag resulta anng sunod sunod na errors sa receiving end . Mabilisang umabante ang Lady Spikers and lumamang nang higit sa sampung puntos upang madaliang matapos ang first set.

Maliksing tinapos naman ng La salle ang ikalawang set sa tulong ng masikap na pagsalo ni Melissa Gohing at mabilis na atake ni Cydthealee Demecillo.

Hindi na muling nakabangon pa ang NU sa ikatlong set kahit maging medyo madikit ang laro at nakakuha sila nang lamang. Madaling nakahabol ang La Salle at hindi na pinatagal pa nila ang laro nang makaiskor si Gumabao ng matinding atake upang maipanalo na ang laro.

Nanatiling sa ikalawang pwesto ang Lady Spikers na may 4-1 record. Ito na ang huling laban nila sa taong ito at muli silang babalik sa January 6 kontra sa UP.

"