By Joyce Espinoza
Matagumpay na nalagpasan ng Lady Spikers sa pagtutuos nila kontra Adamson Lady Falcons. Nakamit ng La Salle ang panalo sa iskor na 3-0 at set score na 25-19, 25-20, 25-8.
Hindi naman nagpigil ang Lady Spikers sa ikatlong set ng laban. Napako ang Lady Falcons sa iskor na 8 dahil sa pinakitang depensa at magandang pag receive ng DLSU. Ginulat nila ang kalabang koponan matapos makakuha ng magkasunod na service ace mula kay Kim Fajardo.
Naging mabagal naman ang simula ng Lady Spikers sa unang dalawang set. Dumidikit ang iskor sa pagitan ng dalawang koponan sa tuwing papatapos na ang set. Sa huli, nanaig ang matinding opensa na sandata ng Lady Spikers sa laban. Malaki ang naitulong nina Michele Gumabao, Abigail Marano at Mika Reyes sa pagdedepensa ng maigi sa ilalim ng net.
Nanguna sa opensa si Ara Galang na may 16 points habang si Marano at Reyes ay may 14 at 11 points. Di rin matatawaran ang magandang blocking at set plays upang makapuntos sa laban.
Kasalukuyang pinangangalagaan ng Lady Spikers ang kanilang 9-1 katarda para sa second round ng naturang torneo.